Episode Synopsis "The Art Of Moving On Ep4: Pagtila ng Luha"
Madilim ang langit. Mukhang malungkot na naman ang kalangitan. Ibubuhos na naman niya ang mga luha sa daigdig at kawalan. Unti-unti nang nangingitim at nangangalaiti ang mga ulap. Marahil dahil sa galit o tindi ng emosyon na nararamdaman. Marahas din ang alon sa karagatan at ang pagdampi ng hangin sa mga kabahayan malapit sa dalampasigan. Walang duda bubuhos na talaga ang ulan. Dahan-dahang pumapatak ang mga luha ng langit. Lumalakas ang kaniyang hikbi kasabay ang nakakatakot na tunog ng kulog at ang panandaliang gulat mula sa mga kidlat. Habang ibinubuhos ng mundo ang galit at lungkot sa sanlibutan, nanatili ako sa isang sulok malapit sa bintana, hinihipan ang mainit na kape at nag-iisip kung ano kaya ang susunod na mangyayari sa kwentong tinuldukan agad. Hindi pa nga nagsisimula, wakas na ang bubungad sa susunod na pahina. Walang kuwit ang makakapigil sa kagustuhan na umalis at tapusin ang salaysay kaya maguguluhan ka sa kakahanap kung saan ang dulo nito—o makakarating nga ba hanggang sa dulo. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang ulan at ang mga luhang lumalandas sa pisngi ay hinahayaan na lamang. Pinikit ko ng mariin ang mga mata at bumulong sa hangin. "Sana kasabay nang pagtigil ng ulan ay tumila na rin ang mga luha at ang damdamin ay tumahan. Puhon." — Yugto | 2021 *** Pagtila ng Luha | 08.09.20
Listen "The Art Of Moving On Ep4: Pagtila ng Luha"
More episodes of the podcast My Space
- The Art Of Moving On Ep7: Modern Love
- The Art Of Moving On Ep6: Para Sa Aking Sarili
- The Art Of Moving On Ep5: Letting Go Doesn’t Happen Overnight Ft. Sam Velasco
- The Art Of Moving On Ep4: Pagtila ng Luha
- The Art Of Moving On Ep3: The Process of Letting Go
- The Art Of Moving On Ep2: Siguro/Sigurado
- The Art of Moving On Ep1: Moving on is not a race