Ang Lagim Sa Impyernong Paaralan

May isang babaeng lanbing-anim na taong gulang na nagngangalang Camille. Siya ay kasalukuyang nasa baitang sampu na nag-aaral sa Pampublikong Paaralan sa syudad ng Marikina. Matalino si Camille, talented at saka maganda kaya gusto siya ng lahat. Masipag ito mag-aral at hindi siya lumiliban sa klase. Pero bata pa lang siya ay nakakakita na siya ng mga multo, engkanto at iba pang uri ng elemento na di nakikita ng ibang tao. Dinadala din siya madalas sa ospital noon dahil akala ng kanyang mga magulang na may sakit ito dahil minsan ay nahuhuli siya ng mga ito na nakikipag-usap sa pader, sa harap ng bukas na pinto at sa labas ng bintana, na para bang nakikipag-usap siya sa hangin. Ang mga salitang minsan niyang sinasabi ay ang pakikipag-aya ng laro.      Hanggang sa lumaki na si Camille. At isang araw, sumali siya sa isang okasyon sa paaralan nila kung saan ay doon sila natulog at tumagal ito ng tatlong araw. Sa mga araw na iyon ay may mga pangyayari na hindi pangkaraniwan, yung nakakakilabot pakinggan. At nakilala din niya sa mga panahong ito si Andrew na gwapo, maginoo at masipag na nerd.    Siya ang makakasama ni Camille sa paglutas sa kanyang suliranin. Paano kaya nila ito malalampasan?( Montejo & Rubio)

Ang Lagim Sa Impyernong Paaralan

Latest episodes of the podcast Ang Lagim Sa Impyernong Paaralan