Ep. 2: Radio Romance: Homage sa Magulang ng Podcast

04/05/2020 18 min

Listen "Ep. 2: Radio Romance: Homage sa Magulang ng Podcast"

Episode Synopsis

Sa pinakaunang full episode, pinahahalagahan ang midyum ng radyo bílang magulang ng podcasting. Magbabalik-tanaw din si LJ Sanchez sa naging papel ng radyo sa pagiging manunulat niya, habang isinasalaysay ang naging kasaysayan nito. May pagbása rin mula sa mga akda nina Cirilo Bautista, Elizabeth Enriquez, at Resil Mojares, na may kani-kaniyang pananaw at gunita sa kultura ng radyo sa Filipinas. Mahalagang tanong sa podcast ang, "Ano bang kultura ng pagsasalita at pakikinig ang nalilikha ng radyo at podcast para sa atin? Mabuti ba o masamâ?” Makichika Lit na!

More episodes of the podcast Arkana: Podkast ni Louie Jon A. Sánchez