Kataga ng Buhay Marso 2023

02/03/2023 8 min

Listen "Kataga ng Buhay Marso 2023"

Episode Synopsis

“Mamuhay kayo bilang mga anak ng liwanag: sapagka’t ang bunga ng liwanag ay matatagpuan sa mga bagay na mabuti at matuwid at totoo.” (Efeso 5:8-9)
Kung tatanggapin natin ang Salita ng Diyos , higit tayong nakaayon sa Kanyang pag-iisip, damdamin at turo. Bibigyang-liwanag nito ang bawat gawa natin, at itinutuwid ang bawat pagpapahayag ng ating buhay. Kapag nag-aalab ang pag-ibig sa ating puso, magkakaroon tayo ng bagong pananaw.