Nagmula sa apat na sulok ng silid sa paaralan, ang Ang Tatlong Haring Mago (ATHM) ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Juan R. Liwag Memorial High School. Sa tinatahak na tagumpay ng teknolohiya sa makabagong panahon, ang publikasyong ito nagnanais na palawakin ang sakop ng kanilang matatanglawan sa paghakbang nila sa mundo ng podcasts. Dirinig, pupuna, at maghahatid ng kinakailangang impormasyon; ito ang layunin ng aming publikasyon. Ang tahanan ng iba’t ibang perspektibo at pananaw kung paano sisiyasatin ang lamat sa pundasyon at lalabanan ang pagsubok ng kabalintunaan. Saang direksiyon man mapadpad, mananatiling totoo at nakabatay sa realidad. Ang Tatlong Haring Mago. Ang liwanag na sasalubong sa pagpihit ng daigdig, na ang tanging adhikain ay maghatid ng kamalayan sa sambayanan.